Home
Up

CMS
Discussion Board
Photo Gallery
Guestbook

 

Unibersidad ng Pilipinas! Saan ka nagkamali?

ANG SARAP MAGING SENADOR!

Miriam Defensor Santiago was featured in ABS-CBN’s The Correspondents.  Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay  Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan (kasama na siya).

Lumalabas na ang P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador... Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador na humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka pa kayo kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit  lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka pa kayo kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR!

Kasinungalingan ang mga political ads na nangangakong mag-aahon ang mga Presidentiables ng mga taong nasa kahirapan. Hanggat may mahirap, may kakapit sa patalim na magbenta ng boto. Hanggat may mahihirap, may mapapangakuan sila ng pag-asenso at mabibili ng konting pagkain habang eleksyon. Walang pulitiko ang gugustuhin o kakayaning iahon ang lahat ng mahihirap sa kinalalagyan nila dahil mga pulitiko mismo ang dahilan ng pagdami ng mahihirap sa Pilipinas.

One of the reasons why the Philippines will never, ever get off the ground...... ayon sa expats.... kaya talagang mahirap nang umasenso ang Bayan nating Pilipinas - yun mismong nasa gobierno ninanakawan ang kanilang kapuwa Filipino, at hindi lang yan..... hindi pa sila nagbabayad ng buwis sa bansa - kaya lahat ng kalye lubak-lubak at masyadong madumi at mababaho!!! Hindi sila nahiya sa kanilang nakikita kasi makapal na ang kanilang mga mukha...

True Whistleblowers - this is what our country needs. If there are no whistleblowers the country will never ever prosper and will just sit in the sidelines watching with envy the prosperity of the other South-East Asian countries - look at Vietnam now, much more progressive... while the new breed of Filipinas are just maids.

The present level of education has also deteriorated in our country - whether it be Ateneo, UP, La Salle (mga unibersidad kung saan graduate ang ating mga Senador) - they could not compete anymore - they do not know how to use their education to better their poor country, they prefer to steal and not assist in the path of prosperity for their country - they lack human factor, social conscience and no social responsibility. ....the result of poor education. So wake up, you Filipinos paying your taxes there, stop defending your corrupt masters and do something!!! We all feel so sorry for you.....

Gumising na po tayo. Panahon na.

New Posts

Electric Power
ERC Procedures
ERC Case Filing
Self-Treat Cancer!
Milk & Cancer
Prevent Cancer!
Electronic Books
Audio Bible

Ads


Freelance award-winning Filipino 3D animator and graphics artist

 


Copyright © 2004 by Pablo B. Española
All rights reserved. Last updated August 26, 2010
For inquiries please contact the Webmaster.
Hit Stats